-
I hate surprises
February 14, 2009 2 PM
Naiinis ako noon at galit na galit dahil pagkatapos ng klase ko, ‘di man lang siya nagparamdam at wala man lang akong natanggap na text galing sa kanya. Nagtampo ako at naglabas ng sama ng loob sa ibang mga kaibigan at kaklase ko. Naisipan kong pumunta sa salon upang mawala sa isipan ko ang galit na aking naramdaman. Habang nagpapa-pedicure, nagtext siya. Sabi niyang di raw siya makakalabas dahil may pinapagawa ang lola niya. napa-Ah ok na lang ako. :| Pagkatapos ko sa salon, humingi pa siya ng pabor kung pwede ko daw bang tingnan kung released na ‘yung movie-na-di-ko-matandaan-ang-title sa videocity at kung may Myx Mag na daw ba for february sa National Bookstore. Ang kapal ng mukha niya. Iniinis talaga niya ako. Dahil mahal ko nga siya, sinunod ko na lang. at oo, released na raw. tinanong ko kung may ipapagawa pa ba siya sa akin at kung pwede na ba akong umuwi. Sabi niya, salamat at oo.
Pagkadating ko sa bahay, nakangiti sa akin si ate at yung kasambahay namin. Tinatawanan yata nila ako dahil wala akong date. :| Ninais kong pumasok sa aking kwarto, magkulong, umiyak at maglabas ng galit. Pag-apak ko sa mat kung saan ko iniwan yung card na gawa ko para sa kanya, may napansin akong kakaiba. May tatlong sobre na nakalatag kasama ang isang bouquet ng rosas. Napangiti ako at tumakbo pababa upang tanungin kung kelan siya pumunta sa bahay. Pasimple pa sila noon, kunwari daw wala silang alam.
Tinext ko siya, nagthank you ako at sabi niyang magready daw ako at lalabas kami mayamaya.
Pagsapit ng gabi, pumunta kami sa shakey’s. kumain habang nakinig sa live band. nag-request ng kanta. binagalan ang kumain para mas matagalan ang paghintay ng mga susunod na kakain (full kase yung restaurant), kumuha ng balloon na hugis puso. Nalaman kong di siya lumabas para lang mapayagan siyang lumabas sa gabi. Nalaman kong may myx mag na pala siya at pinagawa lang niya sakin ‘yun para di ko siya maabutan sa bahay dahil nag-long cut pa siya ng daan para di ko lang siya makasalubong sa high way.
P.S.
di na mangyayari muli yan dahil wala na kami at single ako ngayong darating na araw ng mga puso. :))
P.P.S.
Dahil sa pinost niyang “OTSO…… WanLan..” bigla ko siyang namiss.
-
I want this NOOOOOOOOW! :|
annine
via
-
before I screw you, are you over 18 cutie pie? hahaha. :))
danabulilit
via
-
oh-my-delirium:
via
-
pau-v asked: Hi! I'm totally liking the layout you did, the one with the title "what happened". Is it okay if I use this layout for my site? Is it also okay that I change a few things, like the title and background? Oh and uh I'm sort of a rocker like you too so I was wondering if you made a rocker layout? If not then I'm totally fine with this one :)
Thanks! My email is purplebluesoda@yahoo.com
Email sent. :)
Sure, you can change the title and background as long as you don’t remove the credits at the footer. :)
I have no rocker layouts cause that’s the first layout I made. Maybe sooner. :) Let’s hope. XD
Thanks!
-
I really do. :(
image credit